4 months after
Ang bilis talaga ng araw kapag nasa Pilipinas.. =) Pero definitely, walang tatalo kapag nauwi ka sa bahay na pinaglakhan mo, kasama pamilya mo.. hehehe..
Malipas ang apat na buwan, maraming nagbago.. maraming bago.. maraming binago..
Sa bahay:
Binagong kwarto - Dati rati, may sarili akong kwarto.. kaya lang pagdating ko mula JP, hindi ko na mapagkasya ang sarili ko, mga gamit ko sa munti kong kwarto.. kaya ako'y lumipat sa kwarto ng aking mga pamangkin. At ang munti kong kwarto.. puro damitan at gamit na lang namin..
Bagong appliance - nung dumating ako, sabi ko bibilhan ko sina mama ng TV. Kasi yung tv na ginagamit namin, sa Kuya ko talaga yun, tapos yung isa pa sa Ate ko naman.. sa madaling salita, wala talaga kaming TV.. heheh.. tapos bago manganak si Ate, bumili din siya ng aircon para sa kwarto na tinutulugan ko ngayon. May time kasi na dito siya mag stay, kasama yung baby.
Bagong tuta - meron kaming mga bagong ampon na tuta.. Labrador.. si Dumbo at Dumbi.. hehe.. Ang kukyut.. golden brown kasi ang kulay nila.
Bagong pamangkin - Ipinanganak ang bagong prinsesa sa pamilya. Tiffany ang pangalan niya.. di ko alam kung ipinangalan siya ni Ate kasunod ng pangalan ko, pero matagal pa lang gusto na niya Tiffany ang pangalan.. pero ang palayaw niya.. Princess. Ang taba taba.. ang cute cute.
Sa opisina:
Bagong posisyon - bagong responsibilidad.. bagong sakit sa ulo.. bagong reklamo.. hehehe. yun lang yun. ayokong magdagdag ng nega vibra..
Bagong dabarkads - sa katauhan ng Dev C peeps.. at mga ampon ng Dev C peeps.. sila ang mga taong nagbibigay kulay kahit papaano sa madilim na opisina.. hehe..
wish ko lang.. meron na kong sasabihing bagong kliyente.. pero wala pa.. hehehe.. pero sana.. kahit paano may pagbabago.. hindi na tulad dati na impyerno talaga sa opisina.. masasabi kong may nagbago. =)
Sa sarili:
Binagong buhok - na ngayon gusto ko na ulit humaba.. hehe..
Naging malusog - napansin kong masyado na akong lumulusog.. hopefully by the coming months, sipagin na akong mag gym.. pwamis.. sa ngayon.. marami akong bagong damit.. dahil hindi na magkasya yung dati kong sinusuot na damit.. hehehe.
Nabagong gimik - sa unang tatlong buwan ng taon, iba't ibang mga kaibigan ang nakasama ko sa galaan.. nandyan ang mga officemates.. dating hayskul fwends.. ang aking mga close friends.. iba ibang trip.. coffee... movie.. road trip.. dinner.. beach/swimming.. bowling.. billiards.. karaoke.. picture galore etc.. hehehe.. madalas puro group date..
Bagong hobby - bago yata ito.. nagbabasa ako ng english fiction books.. heheh.. na malayo sa akin. hindi kasi ako palabasa.. kung alam ng mga taong nakakakilala sa akin. Hindi ko rin alam kung bakit bigla, naging pampalipas oras ko ang magbasa.. o dahil lang nagustuhan ko talaga yung sinusundan kong kwento ni Becky Bloomwood. ;-)
Nabagong ako (yata) - ako pa rin yung magastos na Suteki.. shopaholic.. pero may nagbago yata.. hindi na ako ganun kagalaera.. naninibago nga ako kasi nagdaan ang Holy Week pero nandito lang ako sa bahay. (Para ulit sa nakakakilala sa akin, alam nilang kakaiba talaga ito. ).. madalas pag weekend nandito lang ako sa bahay.. hindi nagala..
At syempre, eto na yung mga pinakahihintay niyo..
Bagong hubby - Kailangan pa bang imemorize ito? hehehe.. hopefully, siya na.. :"> Siguro sa mga susunod na blog ko.. madalas kasama na siya sa mga kwento ko..
So far.. I still having a great first quarter of the year.. and treasuring every moments that happened during these four months..

1 Reaction:
good to hear you becoming more lively kid :) surf's up ... pasyal tayo kasama lahat ng KANSAI peeps sa august... CANT WAIT KID :) hahahhahaha
Post a Comment
<< Home